Anyare sa Maynila?

4 years ago 0 Comments

Mabaho, madumi at magulo. 

‘Yan ang impresyon ngayon ng karamihan, lalo na ng mga balikbayan sa lungsod ng Maynila.

 Kaya tiyak akong makakaladkad ang pangalan ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada sa hindi magandang itsura ngayon ng Maynila. 

Nakakalungkot na tuluyan nang napag-iwanan ng ibang mas maunlad na lungsod tulad ng Taguig, Makati at Pasig ang Maynila. 

Kung inyong matatandaan nang tumakbo si Erap at nanalo bilang mayor ng Maynila noong 2013 ay ipinangako niyang isasalba niya ang lungsod mula sa pagsadsad nito sa kabulukan.

Madami siyang inihayag na mga plano, ngunit mahigit limang taon ng kanyang pamamalakad, wala tayong halos nakitang pagbabago, anyare? 

Walang nagbago at sa halip ay naging grabe pa ang kalagayan ng Maynila.

Nakakalat lang sa kalye ang basura. Dumating pa ang panahon noon na tumpok-tumpok ang basurang hindi nakokolekta at pinagmumulan pa ng sakit.

Halos mamaho noon ang buong Maynila dahil sa gabundok na mabahong basura sa Quiapo at Avenida at kahit saan  ka lumingon.   

Kung nagagawa ng ibang city government na maiayos ang pagkolekta ng basura at mapanatiling malinis ang kapaligiran nila, ba’t kaya hindi magawa sa Maynila?   

Kaya hindi na ako magtataka kung ma­ging dehado sa laban sa pagka-mayor itong si Erap dahil sa hindi magandang itsura ngayon ng pinamumunuan niyang lungsod.

***

How true na marami ang takot ngayon sa pagsabak daw sa pagka-mayor ng Quezon City ni Congressman Bingbong Crisologo?

Kung ano-anong isyu na ang ibinabato ngayon kay Crisologo kaya maraming taga-QC ang nagtatanong kung may katotoha­nan ba ang mga ito.

Lalo na ang akusasyong isa itong kilabot na kriminal noong 1960’s.

Sa aking pagsasaliksik ay isa itong ex-convict sa kasong arson. Nahatulan siya ng habambuhay at walong taon din naghimas-rehas sa Munti.

Nakalaya lang nang bigyan ng pardon ng noon ay diktador na si Ferdinand Marcos. Take note: naging pelikula ‘yan ha.

Ang maipapayo ko na lamang sa mga netizen lalo na sa mga nagugulumihanang mga taga-QC ay i-google ito at presto mababasa na ninyo ang kasagutan.

Pero siyempre, maging mabusisi tayo, dahil hindi naman lahat ng nasa social media ay may katotohanan. Ika nga think before you click para hindi ka maligaw ng landas.

Source From:https://www.abante.com.ph/anyare-sa-maynila.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi