Apela ng mga negosyanteng Fil-Chi: Baguhin ang pamumuhay,…

4 years ago 0 Comments

HINIKAYAT kahapon ng grupo ng mga Filipino-Chinese businessmen ang publiko na iangat ang kanilang pamumuhay, kasunod ng pagnanais ng mga ito na dalhin ang pangako nito para sa kinabukasan sa mga taong naniniwalang kayang baguhin ang kanilang pamumuhay at kayang abutin ang kanilang mga pa­ngarap.

Ginawa ang paha­yag ng Association Filipino Chinese businessmen sa ginanap na Dragon Star Awards hometown hero’s kung saan 12 individual ang binigyan ng parangal at ilang miyembro ng non-govern­ment organizations (NGOs) upang ipakita ang kanilang mga idea kung paano nagtagumpay ang kanilang negosyo.

Kabilang sa tumang­gap ng parangal sina Nolly Bogate, Gerlado Jumawan at Tzu Chi foundation bilang edu­cational and cultural growth, Norfil foundation, Botocan blood donor at Dr. Juan “Jim” Sanchez, for Social Development; Ms. Teresita Escamillan, Ro­bert Joe Lagnason Jr., vo­lunteer parents, at Paul Emil Gruba, for social and peace building, Julia Denise Ongchoco, bilang innovative technology Fatima Garcia Lorenzo, bilang health and wellness services, at ilang NGO members.

Ang dragon star award hero’s ay binubuo ng mga Filipino-Chinesse na naging mata­gumpay sa kani-kanilang mga negosyo.

Ayon kay Quezon City Association of Fi­lipino Chinese Businessmen President Joseph Lim, naniniwala siya na ang bawat Pilipino na naniniwala sa kanilang sariling kakayahan ay magagawa nila ang mga mabubuting bagay at tuparin ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Ibinahagi din ng mga negosyanteng Filipino-Chinese ang mga pamamaraan upang maging matatag ang kanilang mga maliliit na negosyo. (Armida Rico)

Source From:https://www.abante.com.ph/apela-ng-mga-negosyanteng-fil-chi-baguhin-ang-pamumuhay-abutin-ang-pangarap.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi