Ara Mina negosyante ang bagong dyowa

3 years ago 0 Comments

Bukod sa mga ospital, ang mga nasunugan sa Caloocan ang naging sentro ni Ara Mina ng pagbibigay ng mga relief goods. Nakaposte sa Instagram ni Ara ang larawan ng pagbibigay niya ng mga packed goods sa resident ng Brgy, 132 Caloocan City.

Inipon ni Ara ang mga kasamahang niyang hikers sa grupong tinawag na #TEAMSUPERKLENK. Dating serye ni Ara sa GMA-7 ang “Super Klenk” na ipinangalan nya sa kanyang grupo. Isang superhero ang role ni Ara, gaya ng sikat na Darna.

Anyway, mukhang magkakaroon na ng lovelife si Ara pagkatapos ng ECQ. Inamin niya sa Abantelliling na may masugid siyang manliligaw na hindi pumapalyang dumiga sa kanya kahit sa text lang.

Posibleng sagutin ni Ara ang lalake na ayon sa kanya ay non-showbiz at isang businessman. Bukas na bukas na ang pintuan ng puso ni Ara sa panibagong pag-ibig na haharapin niya pagkatapos ng lockdown. (Rey Pumaloy)

Source From:https://www.abante.com.ph/ara-mina-negosyante-ang-bagong-dyowa.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi