Arci, Jolina, Regine praning sa pagmamahal kay Hyun Bin

3 years ago 0 Comments

Nahuhumaling si Jolina Magdangal sa seryeng “Crash Landing On You”, lalo na sa bidang lalaki na si Hyun Bin. Pinoste ni Jolina ang edited photo nina Hyun Bin at ni Son Ye Jin sa kanyang Instagram.

Pinalitan ni Jolina ng mukha niya ang muka ni Son Ye Jin para lumabas na siya ang kayakap ng Korean actor. At sa caption ipinangalandakan niya ang pagkabaliw sa Koreano.

Pangarap ni Jolina na magkita sila ng idol niya at matitigan ito.

“Pagpasensyahan nyo na po ako sa kabaliwan ko na ito. Sa mga #CLOYal, alam kong naiintindihan nyo ako. Sa mga tingin nila oa ako, ok lang. oa talaga ako sa pagkahumaling. #HyunBin lagi lang akong nangangarap na someday makita kita at matignan mo ako (hahahaha Oa talaga) #CrashLandingOnYou,” sabi ni Jolina.

Pero siyempre, iginiit ni Jolina na mas matimbang pa rin ang kanyang mister.

“Sa asawa ko, syempre ikaw pa rin ang pinakamahal ko. Hihihi.”
Meron ding edited photo ng poster na ‘yon sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, na parehong adik sa naturang palabas.

Ilan pa sa adik kay Hyun Bin ay si Arci Muñoz.

Joseph, Celeste nagtukaan sa harap ng maraming tao

Nagpaulan ng sweetness ang magdyowang Joseph Marco at Celeste Cortesi sa pinosteng cheesy photo ng Kapamilya hunk sa Instagram. Nakabalandra sa IG ni Joseph ang tukaan nila ni Celeste sa isang resto.

Walang pakialam na naghalikan ang dalawa sa harap ng maraming tao.

Lumalabas sa caption na gigil talaga si Joseph sa kasintahan, kaya hindi niya napigilang halikan ito.

“Hard to sit here and be close to you, and not kiss you,” say ni Joseph.

Derek ayaw pang alukin ng kasal si Andrea

Nagpapagawa na raw ng bahay si Derek Ramsay para sa kanilang dalawa ni Andrea Torres. ‘Yan ang hinala ng netizen sa video na pinoste ng akkor sa IG.

Makikita sa IG na masayang kinumusta ni Derek ang isang trabahador sa kanyang bahay. Sa sumunod na frame ay tsini-check ni Derek ang mga materyales sa loob ng bahay at nagbibigay ng instruction.

Bitin ang post ni Derek dahil nais niyang sa YouTube channel nila ni Andrea mapanood ito ng mga fan. At sa paniniwala ng mga fan, bahay ito nina Derek at Andrea.

Pero, wala pa ngang kumpirmasyon, at wala pa akong balita na nag-propose na si Derek kay Andrea. So, abangan na lang natin!

Source From:https://www.abante.com.ph/arci-jolina-regine-praning-sa-pagmamahal-kay-hyun-bin.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi