Kinulit si Arjo Atayde ng entertainment media sa launching niya bilang ambassador ng Bruce & Dash ng BeauteDerm tungkol sa kasalan nila ng girlfriend niyang si Maine Mendoza.
Pero ready na bang magpakasal ang showbiz couple eh may dumarating pang trabaho sa kanila?
Si Meng, kahit hindi na mag-artista, puwede nang lumagay sa tahimik.
Lima na ang branch ng kanyang food chains, may regular TV shows, endorsements at kinukuha pa rin sa pelikula.
Hindi naman ang tipo niya ang sabik na sabik sa showbiz, na kaya lang siya nagtatagal dito ay para mapasaya ang publiko na sumuporta noong nagsisimula pa lang siya.
Pero choosy na rin siya sa ginagawa. ‘Yung gusto lang niyang gawin ang ginagawa niya at hindi siya masisisi dahil may pera siya at hindi breadwinner.
Puwedeng-puwede nang mag-asawa si Maine, sa totoo lang.
Eh si Arjo? Kaya ba niyang talikuran ang kanyang career? Feeling namin, hindi pa.
Of course, meron siyang supportive na pamilya. Pero ngayon lang nagdaratingan ang magagandang breaks sa kanya.
Eh sa presscon, nasabi ni Arjo na balak pa niyang mag-produce ng pelikula hindi lang para sa kanya kungdi pati na rin sa girlfriend.
Patunay lang na marami pa siyang ambisyon sa buhay at bilang artista, huh
So huwag muna nating ipakasal sina Maine at Arjo. Bata pa sila at may career pa sa showbiz. Huwag nating itulak sa isang buhay na pangmatagalan at walang urungan kapag nagawa na nila, huh!
Enjoy muna sila sa kanilang relasyon. Tutal naman, walang kontra sa pagmamahalan nilang dalawa!
Source From:https://www.abante.com.ph/arjo-magpoprodyus-ng-pelikula-nila-ni-menggay.htm