Arnell Ignacio may mensahe kay Mayor Joy Belmonte

3 years ago 0 Comments

Hindi na napigilan ni Arnell Ignacio na magbigay ng opinion, mensahe kay Mayor Joy Belmonte ng Quezon City.

Sa social media ngayon, si Mayor Joy na yata ang isa sa pinakapaboritong pulutanin.

Taliwas na taliwas sa mga papuring natatanggap nina Pasig City Mayor Vico Sotto, Manila Mayor Isko Moreno, at iba pa.

Heto nga ang mensahe ni Mr. Ignacio:

“Mayor Joy alam ko marami ka nang sinalubong na masasakit na salita. Do not get angry. Do not get hurt. You cannot do that. You cannot afford to do that ngayon.

“Kaya lang nagkakaganyan ang mga taga-QC kasi naghihintay lang sila ng inyong malaking kilos. Malaki ang problema, pero hindi ka rin naman maliit.

“Ikaw ang isa sa pinaka-powerful na tao sa buong Pilipinas, at isa kang Belmonte.

“Mayor, huwag mo na sabihin yung mga limitasyon, kung ano ang hindi natin kaya. Katulad noong mga hindi ma-accommodate sa ospital. Madaming multi-purpose, gym, ang Quezon City.

“I’m sure isang panawagan mo lang, they will come to you and help you. Sabi nga ni Wilma Galvante, walang totoong galit sa iyo, naghahantay lang sila mula sa iyo ng malaking kilos.”

Para kay Arnell, hindi galit ni Mayor ang kailangan ng mga tao sa Kyusi, kundi ang tulong at malasakit niya.

“Gawin mo lang Mayor, lahat susuporta. Ikaw ang nanay nila, kaya mo yan!” sabi pa ni Arnell.

Well… (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/arnell-ignacio-may-mensahe-kay-mayor-joy-belmonte.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi