Pumalag si Vice Governor Imelda Arcilla Papin sa isyu ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy administrator Margaux “Mocha” Uson ukol sa pagpapakalat ng mga pekeng balita.
Sa tweet ng veteran Pinay singer na ngayon ay vice governor, ay tila binoldyak nito si Mocha sa sinasabing pagpapakalat nito ng fake news.
“Hindi ako abogado o experto sa batas. Isa lamang po akong normal na lingkod bayan at mamamayan. Ang pagkakaalam ko po ay kapag lumabag ka sa batas, dapat po itong harapin. Tama po ba? #ArrestMochaNowDescription:”
Nauna rito ay inulan ng batikos ang kontrobersyal na si Mocha nang maglabas ito ng ulat at palitawin umano na galing sa gobyerno ang mga ipinamigay na PPEs para sa mga health workers ngunit sinasabing galing ito sa SM foundation.
Si Imelda Papin ay kilala sa pagiging isang sikat na singer kung saan ilan sa mga pumatok nitong kanta ay ‘Isang Linggong Pag-Ibig’, ‘Minsan’, ‘Kung liligaya ka sa Piling ng iba’ at marami pang iba.
Nitong 2019 ay nailuklok ito bilang Vice Governor kasangga ni Migz Villafuerte sa ilalim ng PDP-Laban- Nacionalista Party. (AE)
Source From:https://www.abante.com.ph/arrestmochanow-imelda-papin-iritada-kay-mocha.htm