Arwind kay Terrence: Easy ka lang!

4 years ago 0 Comments

HUWAG NA INIT ULO BABY

Finals Game 3 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
6:30pm — SMB vs. Magnolia
(Series tied 1-1)

SUPORTADO ng San Miguel Beer teammates si Terrence Romeo, pero may request si Arwind Santos sa three-time scoring champion.

“Sana lang, ang request ko kay Terrence, ‘yung emosyon niya mapi­gilan niya sa ganu’ng pagkakataon,” ani Santos paglabas ng dugout ng Smart Araneta Coliseum.

Si Chris Ross, binak-apan din si Romeo.

“Terrence felt like he got fouled, and I thought he got fouled too,” anang dating two-time Defensive Player of the Year. “He released his frustrations. Luckily, it was a big lead and it didn’t affect the game.”
Kulang 6 minutes pa sa 108-101 win ng Beermen kontra Magnolia sa Game 2 ng PBA Philippine Cup Finals Biyernes ng gabi, thrown out si Romeo dahil sa magkasunod na technical fouls.

Komportable sa unahan ang SMB 96-80, binababa ni Romeo ang bola nang banggain ni Mark Barroca. Mala­kas na pinasa ni Romeo ang bola kay referee Peter Balao. Nasalo ng official ang bola, nagsimulang magreklamo si Romeo hanggang mapituhan ng T.

Hindi pa natigil doon ang eksplosi­bong guard, kinailangang pigilin ng mga kakampi at maging si SMB gover­nor Robert Non ay nakiawat bago naakay ni assistant coach Peter Martin papasok sa locker room.

Itinabla ng San Miguel ang series.­ Inaasahang makakalaro pa rin si Romeo sa Game 3 ng best-of-seven mamaya sa Big Dome din.

Walang nakaambang suspension maliban sa multa dahil sa kanyang ejection sa pagrereklamo.

May karapatan naman daw si Romeo na umangal dahil obvious foul, ani Ross.
“I thought it was an obvious foul. Terrence thought that it was an obvious foul,” dagdag niya. “And they were doing it the whole fourth quarter.” (Vladi Eduarte)

Source From:https://www.abante.com.ph/arwind-kay-terrence-easy-ka-lang.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi