Ayaw sa lock in: Akres nag-back out sa bagong serye

3 years ago 0 Comments

Naku, Dondon, marami talagang mababago sa lahat dahil sa COVID-19 pandemic. Sa showbiz, maraming mga pagbabago sa taping, shooting, live show, concert at kung ano-ano pa.

Ang isang bagong TV series na sinimulan na ang taping bago pa man nag-lockdown sa ating bansa ay may malaking pagbabagong magaganap. Nag-back out na ang isa sa dalawang bidang babae.

Eh, ngayon kasi, ila-lock-in ang lahat ng mga kasama sa shooting, taping, eh, hindi yata kaya ni aktres ‘yon, kaya nagdesisyon siyang i-give-up na lang ang nasabing series.

Nakapag-taping na ng ilang araw si aktres para sa series na ‘yon, pero hindi naman siya masisisi kung nag-back out man siya.

May hindi kaya puwedeng iwan nang matagal si aktres, kaya nag-back out na lang siya sa nasabing TV project?

Sa ngayon, hinahanapan na siya ng replacement dahil nga malapit na rin silang mag-resume ng taping.

May ilang mga aktres na raw na ina-eye para sa ginib-up na role ng nasabing aktres.

Well…

Miho Nishida tindera ng disinfectant tray

Ang talent manager na si Therese Ramos ay nagbebenta ngayon ng mga disinfectant mat and tray at kung ano-ano pang essential products na makakatulong para maiwasan ang COVID-19.

Naikuwento sa akin ni Therese na tinutulungan siya ng alaga niyang Pinoy Big Brother alumna na si Miho Nishida. Nakikibenta rin daw ng nasabing produkto si Miho.

Marami raw mga fan si Miho na umo-order. O, ‘di ba, Dondon, ang bongga lang, lahat talaga ngayong panahon ng pandemic ay kanya-kanyang raket, huh!

Pero dumarami ng sobra ang online resellers, hindi naman kaya maubusan na ng mga buyer? Hehehe!

Anyway, bukod sa pagtulong ni Miho sa pagbebenta ng manager niya ng mga disinfectant mat and tray ay sobrang active pa rin niya sa social media.

Siyempre, panay pa rin ang TikTok ni Miho. Pati ang anak niyang si Aimi ay nakiki-TikTok din sa PBB alumna at nakatutuwa silang panoorin, huh!

So, Dondon, ikaw ba, addicted to TikTok na rin?!

Source From:https://www.abante.com.ph/ayaw-sa-lock-in-akres-nag-back-out-sa-bagong-serye.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi