Babaeng nagsaboy ng pintura sa US Embassy inaresto

3 years ago 0 Comments

MANILA – Inaresto ang isang babaeng parte ng grupo ng mga kabataang aktibista na nagsaboy ng pintura sa US Embassy sa Maynila ngayong Huwebes ng madaling-araw. 

Nakasuot ng pang-exercise at humalo sa joggers sa Baywalk ang mga raliyistang kasapi ng Anakbayan at League of Filipino Students kaya nakalapit sila sa embahada. 

Binato nila ang main gate ng embahada ng plastic na may lamang pintura, na tumama rin sa isang pulis doon. Sinubukan din nilang magsulat sa pader, dahilan para itulak sila palayo ng mga pulis gamit ang kanilang shield. 

Nakagirian ng mga awtoridad ang isang babaeng raliyista na kalauna'y inaresto at dinala sa presinto. 

Layon ng 10-minutong kilos-protesta na kondenahin ang defense agreement ng Pilipinas at Amerika na nagpapahintulot sa joint exercises ng mga hukbo ng 2 bansa. 

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/02/06/20/babaeng-nagsaboy-ng-pintura-sa-us-embassy-inaresto

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi