Backrider sumemplang sa butas na kalsada sa Bacoor, patay

4 years ago 0 Comments

DAHIL sa hindi natakpang butas sa ginagawang kalsada, patay ang isang 23-anyos na babaeng singer habang sugatan ang kapwa niya mang-aawit makaraan silang tumilapon sa semento matapos na umiwas sa isang butas ng kalsada sa Bacoor City, Cavite.

Dakong alas-4:20 nang madaling-araw nang ideklarang patay ng mga doktor sa St. Dominic Hospital ang biktimang si Gya Gallego habang sugatan naman at kasalukuyang ginagamot sa nasabi ring hospital si Azucena Banzagales, 37, dalaga, kapwa residente ng Block 3 Lot 54 Grey St., Viravilee Grande Classic, BF Resort, Las Piñas City.

Sa ulat ni PCpl Fidel Querijero ng Bacoor City Police Station, galing ang dalawa sa kanilang trabaho bilang mga mang-aawit at pauwi na kung saan minamaneho ni Banzagales ang kanyang motorsiklo at angkas nito si Gallego habang binabagtas ang kahabaan ng Bacoor Boulevard, Bayanan, Bacoor City, Cavite dakong alas-2:49 kahapon nang madaling-araw.

Hindi napansin ni Banzagales ang isang malalim na hinuhukay sa isang ginagawang kalsada at sa pag-iwas nito ay sumemplang ang mga ito at tumilapon sa semento.

Kapwa isinugod ang dalawa sa ospital subalit namatay habang ginagamot si Gallego. (Gene Adsuara)

Source From:https://www.abante.com.ph/backrider-sumemplang-sa-butas-na-kalsada-sa-bacoor-patay.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi