Bagong luklok na administrator inambus

4 years ago 0 Comments

TODAS ang isang town administrator matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nasa loob ng kanyang sasakyan sa national road ng San Mateo, Isabela noong Lunes nang gabi.

Kinilala ang biktima na si Napoleon Hernandez, ng nasabing bayan.

Sa inisyal na report, ayon na rin kay San Mateo Police Station (SMPS) spokesperson P/Capt. Francis Littaua, kasama ni Hernandez ang kanyang misis na si Pia at papauwi na galing ng trabaho bandang alas-7:20 nang gabi nang sila ay harangin ng mga suspek na nakamotorsiklo.

Sinabi ni Littaua, ang back ride ng motorsiklo ang siyang bumaril sa biktima na tinamaan sa dibdib at agaran nitong ikinamatay bago pa dumating ng ospital.

Ang kanyang misis na si Pia Hernandez ay himala namang nakaligtas sa pananambang.

Napag-alaman na nang barilin si Hernandez ay unang araw pa lamang niya bilang administrator ng San Mateo, Isabela.

Nagsasawa na ang SMPS at Isabela-Philippine National Police (Isabela-PNP) ng follow-up investigation hinggil sa pamamaril. (Allan Bergonia)

Source From:https://www.abante.com.ph/bagong-luklok-na-administrator-inambus.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi