‘Baliw’ na kidnaper nakorner sa Caloocan

3 years ago 0 Comments

NABULABOG ang mga residente sa isang barangay sa Caloocan City, nang habulin nila ang babae na hinihinalang may problema sa pag-iisip, na tumangay sa 3-anyos na lalaki, Huwebes ng gabi.

Matapos ang ilang minutong habulan, nakorner ang suspek na tinatayang nasa 25 hanggang 30 ang edad at hindi pa nakikilala hanggang sa ngayon dahil bukod sa wala itong identification card, hindi rin siya makausap ng maayos.

Kuwento ni Jose Mercado ng chairman ng Brgy. 31, Caloocan City, nakita umano ng mga residente na hawak ng suspek ang bata habang papalayo sa lugar, dakong alas-10:00 ng gabi.

Naghinala umano ang residente na hindi anak ng babae ang hawak na bata dahil umiiyak ang huli.

Nang dalhin sa barangay hall ang babae, bigla umano nitong hinubad ang damit pang-itaas at pang-ibaba, kaya naman dinala na ito sa police station.

Ipasusuri sa eksperto ang babae kung talagang baliw ito o nagbabaliw-baliwan lamang para takasan ang krimen.

Nagpaalala pa si Mercado na ingatan ang mga anak at huwag nang palabasin nang dis-oras ng gabi. (Orlan Linde)

Source From:https://www.abante.com.ph/baliw-na-kidnaper-nakorner-sa-caloocan5.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi