Nagbabala ang Nueva Ecija Police Provincial Office sa mga residente sa tila nangyaring panic buying ng alak sa San Jose City mula nang alisin doon ang liquor ban.
Nitong Mayo 4 ay nilagdaan ni City Mayor Mario Salvador ang Executive Order #23 series of 2020, na nag-aalis ng liquor ban at nagpapahintulot sa pagbili, pagbebenta at pagkonsumo ng alak sa loob ng tahanan.
Giit pa rito ang pagbabawal na uminom sa labas at tapat ng tahanan at kung maaari ay maipatupad umano ang social distancing. Bawal ding pagbentahan ang mga menor de edad.
Itinagubilin pa ni Mayor Salvador na pinatutupad ito sa 38 barangay o nasa territorial jurisdiction ng lungsod at ipinagbabawal na mabentahan ang mga galing sa ibang lugar.
Dahil dito ay pinaalalahan ng pulisya ang mga bibili at iinom ng alak na tumalima sa mga itinatadhang mga patakaran. (Jojo De Guzman)
Source From:https://www.abante.com.ph/ban-tinanggal-na-mga-taga-ne-nag-panic-buying-ng-alak.htm