Bangkay nina Bryant, Gigi, 7 pa narekober na

3 years ago 0 Comments

NAREKOBER na ng Los Angeles County Coroner’s Office ang bangkay ng NBA legend na si Kobe Bryant, ng anak niyang si Gigi at pito pang kasamang nasawi sa sinasakyan nilang nag-crash na helicopter.

Alas-11:48 ng umaga sa Calabasas, California nang matagpuan ng mga imbestigador ang siyam na bangkay sa crash site, ayon sa ulat ng National Transportation Safety Board (NTSB).

Sa ngayon ay puspusan ang ginaga­wang body examination ng mga awtoridad para matukoy ang katawan ng nasawing si Black Mamba, ng 13-anyos niyang anak kabilang ang pito pa nilang kasama.

Kasabay nito ay nirerekober na rin ang pira-pirasong sinakyang Sikorsky S-76 chopper matapos itong ­sumabog at bumagsak sa ­magubat na lugar sa Calabasas, California. (Aivan Episcope)

Source From:https://www.abante.com.ph/bangkay-nina-bryant-gigi-7-pa-narekober-na.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi