Inutos ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na ilagay sa hard lockdown ang Barangay 847 sa Pandacan simula ngayong araw, Hunyo 1 hanggang Hunyo 2 dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 dito.
“May request ang chairman na mag-lockdown. Tiningnan namin ang datos, viable ang lockdown. Granted po ang inyong request ,” ayon sa pahayag ng alkalde sa kanyang Facebook Live.
Nabatid na nilagdaan na ni Moreno ang Executive Order No. 24 kaugnay sa implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa lugar.
Naitala ang apat na bagong kaso ng COVID-19 at 6 pang patients under investigation sa lugar.
Hindi papayagan na lumabas ng kanilang mga bahay ang mga residente sa panahon ng lockdown maliban na lamang ang mga mga frontliner. (Juliet de Loza-Cudia)
Source From:https://www.abante.com.ph/barangay-sa-pandacan-maynila-ilalagay-sa-lockdown.htm