Mali ang unang obserbasyon ng mga follower kay Barbie Imperial sa TikTok dance video nito. Pinuna ng kanyang mga follower ang pagtaba ng Kapamilya actress.
Pero sa i latest photo ni Barbie, pinatunayan niyang slim siya at seksi pa rin talaga. Nagpainit sa Instagram si Barbie sa pinoste niyang selfie na suot ang orange string bikini.
Halos hubo na si Barbie sa suot na bikini dahil kapiranggot na tela na lang ang tumakip sa kanyang kaselanan. Lantad ang buong pigura nito sa makipot na swimwear na parang sinulid na lang dahil sa kitid ng tali.
Maraming mga kalalakihan ang nag-init sa pamatay na kaseksihan ni Barbie.
Jane Oineza hindi na losyang
Hinangaan din ng mga fan si Jane Oineza sa pinoste niyang selfie sa Instagram. Naka-maong jeans at mid-rib top si Jane na labas ang tiyan.
Kitang-kita sa silhouette shot ang slim body niya ngayon.
Kung noon ay napipintasan si Jane dahil sa pagkakaroon nito ng laman, na mukha nga raw losyang, ngayon ay lumalaban na siya sa paseksihan.
Well, sana nga ay magtuloy-tuloy ang pagseksi ni Jane, at magkaroon siya ng maraming project.
Nico nagbanta sa mga nagbabalak manliligaw kay Thylane
Sunod-sunod na nga ang pagpu-post nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico ng photo ng baby nila na si Thylane sa Instagram.
Ang latest photo nila na magkakasama ang kauna-unahang photo nila bilang pamilya. At sa naturang photo ay nagbiro pa si Nico sa caption na umaasa pa rin siya sa DNA test ng bata para matiyak na siya ang ama nito.
“I am still waiting for the DNA results to make sure she is mine…” pabirong sabi ni Nico.
Ayaw i-claim ni Nico na mas kamukha niya ang anak, dahil sa hashtag ay sinabi niyang carbon copy ni Solenn ang mukha ng bata na may hasthtag na #MiniSolenn.”
Siyanga pala, ngayon pa lang ay may banta na agad si Nico sa mga posibleng manligaw kay Thylane.
Anyway, #Porota o #Chimichurri ang tawag nila kay Thylane.
Shamcey Supsup nagpakain ng 1k katao
Nang dahil sa farm ay nakapagpakain nang mahigit 1,000 katao si Shamcey Supsup. Sa kanyang Instagram na may larawan na kuha sa kanilang farm sa GenSan, ibinalita ng nasabing beauty queen ang buting naidulot ng pagkakaroon ng maliit na taniman lalo na sa panahong ito ng krisis.
Ayon kay Shamcey, lumaki siya sa kanilang farm na hindi na nila pinuproblema ang kanilang kakainin sa araw-araw dahil sa kanilang mga tanim.
Lahat daw ng kailangan nila sa pagkain ay nasa farm, kasama na ang karne ng baboy o baka at mga manok.
Kaya kahit may lockdown dahil sa COVID-19 naasahan nina Shamcey ang farm nila.
Inialay ni Shamcey ang kanyang post sa tatay niya na magsasaka, at sa nanay niyang mahilig magtanim ng gulay.
Robin gustong maging magsasaka
Pinagsisihan ni Mariel Padilla ang pagpapabaya sa garden nila ng mister na si Robin Padilla. Ayon kay Mariel, kung naalagaan niya ang garden nila, may pagkukunan sana sila ng mga kailangan nila ngayong lockdown.
Kaya ni-restore uli ni Robin ang kanilang garden, na kahit matapos ang pandemic ay pagbubutihin niya, at hindi na raw sila aasa sa pamamalengke ng mga gulay at herb.
Gagayahin nga nina Robin, Mariel sina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta na mahilig magtanim ng gulay sa kanilang farm.
Ella Cruz umiyak dahil sa Black Pink
Hindi pa rin maka-move on si Ella Cruz sa naging karanasan niya sa dance contest ng Black Pink, ilang buwan na ang nakakaraan.
Ipinoste niyang muli ang mga larawan na kuha sa kumpetisyon.