Barkong may sakay na mga Chinese, hindi pinayagang dumaong sa Homonhon

3 years ago 0 Comments

(UPDATE) Isang barkong may sakay na mga Chinese ang hindi pinayagang makalapit sa isla ng Homonhon sa Guiuan, Eastern Samar.

Nakipag-ugnayan na sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) central office ang opisina ni Eastern Samar Governor Ben Evardone para hindi payagan na makalapit sa isla ang nasabing barko na umano'y magkakarga ng chromite mula sa isla. 

Ayon kay Evardone, inaprubahan ng DENR ang kaniyang hiling para ihinto ang pagkarga ng chromite mula sa minahan ng isla.

"Umalis na yata kasi tinawagan ko DENR central office and they approved my request to stop the loading," pahayag ni Evardone.

Sinabihan na rin ng gobernador ang Philippine National Police, Coast Guard, at quarantine officials ng Department of Health para hindi makalapit sa isla ang barko para na rin sa proteksiyon ng mga residente.

"We need to protect the health and safety of my constituents," dagdag pa niya.

Ang pahayag ng gobernador ay sagot sa official statement ng parish priest ng Homonhon na si Father Christian Ofilan kung saan ipinahayag nila ang kanilang pangamba sa natakdang pagdaong ng isang barko para magkarga ng chromite mula sa minahan.

Nangangamba dito ang mga residente dahil na rin sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Ofilan, nakatakda sanang magkarga ang barko ng chromite mula Abril 3 hanggang 5 pero hindi ito natuloy at umalis ang barko palayo ng isla.

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/04/06/20/barkong-may-sakay-na-mga-chinese-hindi-pinayagang-dumaong-sa-homonhon

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi