Batang nabaril ng pulis, ililibing na

4 years ago 0 Comments

MAYNILA – Nakatakdang ilibing ngayong Martes ang anim na taong gulang na batang lalaki na nabaril ng isang pulis sa Caloocan.

Tinamaan ng bala sa ulo si Gian Habal habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay Abril 28 ng hapon.

Ayon sa suspek na si Corporal Rocky Delos Reyes, may namataan siyang suspek kaya nakipaghabulan at nakipagbarilan siya rito pero tumama ang bala sa ulo ng bata.

Hinabol si Delos Reyes ng lola ng bata na si Elsa Francisco Montañez, na nabaril naman sa paa nang muling magpaputok ng baril ang pulis.

Isa si Montañez sa makikipaglibing sa kaniyang apo kahit hindi pa makalakad.

Hindi aniya siya papayag na hindi maihatid sa huling hantungan ang apo.

Nauna nang sinabi ni National Capital Region Police Office Chief, Major General Guillermo Eleazar na kumbinsido siyang walang palitan ng putok na naganap sa pagitan ni Delos Reyes at ng isa umanong suspek.

Maaari raw may hinahabol si Delos Reyes pero sa ilalim ng rules of engagement, mali ang ginawa nito.

Dati nang may kasong administratibo si Delos Reyes dahil sa ilegal na pagpapaputok ng baril at dahil nakainom ito habang naka-duty, sabi ni Col. Restituto Arcangel, hepe ng Caloocan police. May ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/05/07/19/batang-nabaril-ng-pulis-ililibing-na

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi