Batang Pinay inabandona ng ina sa UAE

4 years ago 0 Comments

HUMINGI ng tulong sa isang pahayagan sa United Arab Emirates (UAE) ang isang Pakistani para makontak ang mga magulang ng 6-anyos na batang Pinay na kanilang inabandona noong isang taong gulang pa lamang ito.

Batay sa ulat ng Gulf News, isang mag-asawang Pakistani-Filipino ang unang umampon sa batang pinangalanang Fatima sa loob ng limang taon.

Pero naghirap umano sa buhay ang mag-asawa kung kaya’t napilitang ipaampon sa isa nilang kaibigan si Fatima sa kasalukuyan nitong guardian na si Syed Ali Moazzam, 34-anyos, na isang Pakistani.

Nais mabigyan ni Moazzam ng magandang kinabukasan si Fatima kung kaya’t nakahanda umano siyang ampunin na ito kung walang ibang may nais mag-alaga sa bata.

Nabatid na walang birth record si Fatima, wala rin itong apelyido, passport, Emirates ID o visa na importante para sana makapasok ito sa eskuwelahan.

Naging kumplikado pa ang sitwasyon kay Fatima matapos umanong magkahiwalay ang mag-asawang Pakis­tani-Filipino na unang umampon sa kanya at hindi na makontak ang mga ito.

Ayon kay Moazzam, pinayuhan siya ng Ajman Police na magtungo sa Philippine embassy hinggil sa kanyang problema.

Pero nais umano ng embahada na isailalim sa DNA test ang ina o ama ni Fatima para matukoy kung isa nga itong Pinay.

Source From:https://www.abante.com.ph/batang-pinay-inabandona-ng-ina-sa-uae.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi