KINASUHAN ng graft sa Ombudsan ni San Pascual, Batangas Mayor Roanna Conti ang kanyang Vice Mayor na si Antonio Dimayuga matapos itong sampahan ng ‘nuisance administrative case’ dahil sa pagbabakasyon kasama ang pamilya nang wala umanong travel authority.
Sa petisyon ni Conti sa Ombudsman, ibinalandra nito kay Dimayuga ang paglabag sa Section 3, Republic Act 3019 o mas kilala bilang “Anti Corrupt and Practices Act”.
Maliban sa alegasyon ng korapsyon ay sinampahan din ni Conti si Dimayuga ng “gross neglect of duty” at “Conduct Prejudicial to the Best Interest of Service.”
Damay din sa mga kinasuhan ni Mayor Conti sa Office of the Ombudsman ay sina Roumel Aguila, Dennis Panopio, Lanifel Manalo, Juanchito Chavez, Ramel Fernandez, at Reyshanne Joy Marquez, pawang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng San Pascual, Batangas.
Ang kaso ay isinampa ni Conti laban sa pito dahil sa umano’y pang-iipit sa 2019 Municipal Budget.
Ipinrisinta rin ni Mayor Conti ang dokumento ng kanyang biyahe na pirmado ni Governor Hermilando Mandanas.
“Perhaps it is only Mr. Dimayuga who is unaware of my authority to travel and leave, as approved by Governor Hermilando I. Mandanas,” giit ni Mayor Conti.
“Perhaps the old politician, who is the real person facing graft charges before the Office of the Ombudsman, is growing senile and wants to make a return as Mayor even if the recent elections showed that people preferred a new leadership,” dagdag nito.
“Dapat December 2018 pa lang ay approved na ang 2019 budget. Ang kaawa-awa ay ang bayan ng San Pascual sapagkat Marso na ay wala pa rin approved budget. Paano naman ang mga serbisyo publiko na dapat matugunan. Paano ang mga scholars, may sakit, PWDs at iba pang sektor tulad ng Kabataan, Senior Citizens, kababaihan atbp na umaasa sa pondong bayan,” hirit pa ni Conti.
Nagpasalamat naman ang alkalde sa administrasyong Duterte dahil sa patuloy na suporta sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pondo at mga proyektong pang-imprastraktura sa kanilang bayan.
Source From:https://www.abante.com.ph/batangas-mayor-rumesbak-sa-vm-6-pa.htm