Bato masama ang loob sa Amerika

3 years ago 0 Comments

MASAMA diumano ang loob ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa United States kung totoo ngang kinansela na nito ang kanyang visa.

Hindi na rin niya kasi mabibista ang kanyang kapatid at mga pamangkin na nasa US ngayon kung sakaling binawi na ng US government ang kanyang visa.

“Sino ba masaya? ‘Di ko mabisita kapatid ko sa Amerika, mga pamangkin ko. ‘Pag may laban si Sen. Pacquiao ‘di na ako makapanood, so masama ang loob ko,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam ng mga reporter kahapon.

Sa iskup na balitang lumabas sa Abante Tonite at politics.com.ph nitong Sabado, nabatid na kinansela umano ng Amerika ang visa ng senador epektibo noong Mayo 2019.

Ayon sa dating Philippine National Police (PNP) chief, wala pa siyang opisyal na impormasyon kung nakansela na nga ang kanyang US visa.

Kasabay nito, kinastigo din ni Dela Rosa ang US dahil sa pagiging “biased” kung talagang kinansela nito ang kanyang visa dahil sa kanyang pagkakasangkot sa extrajudicial killings (EJKs) sa bansa.

“Granting that it’s true na ang basis ng cancellation is ‘yung involvement EJK, well they are very biased, they are misinformed, they are misled by their informants,” sabi ni Dela Rosa.
“Kayo mismo nandito man kayo sa Pilipinas, kayong media, sige nga, ako ba’y nag-encourage na patayin ‘yung mga drug suspect? Ako ba’y nag-utos na patayin? Ako ba’y nagco-cover up sa mga ginagawa na kalokohan ng ating kapulisan?” tanong nito.

Ayon pa kay Dela Rosa, matagal na umanong niyang naulinigan ang nasabing tsismis na ikakansela ang kanyang US visa subalit hindi niya iyon pinansin.

“May tsismis na ako noon. Chief PNP ako eh, marami naman tayong kaibigan sa embassy na natulungan din natin na loyal din sa atin,” sabi pa ni Dela Rosa .
Nagpapasalamat naman si Dela Rosa dahil ilang beses din siyang nakarating sa Amerika bago siya pagbawalan bumiyahe dito.

“Kung ibabawal na ‘di ako makapasok okay na ‘yun pasalamat na ako kasi nakatikim na ako ng Amerika a couple of times,” sambit pa nito. (Dindo Matining)

Source From:https://www.abante.com.ph/bato-masama-ang-loob-sa-amerika.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi