Bato: Mga private health worker dagdagan benepisyo

3 years ago 0 Comments

Isinusulong ni Senador Ronald `Bato’ Dela Rosa na pagkalooban ng karagdagang insentibo at benepisyo ang mga health worker sa pribadong sektor dahil sa kanilang malaking papel sa paglaban kontra COVID-19 pandemic.

Sa Senate Bill No. 1535 o An Act Providing for Incentives and Benefits for Health Workers in the Private Sector, sinabi ni Dela Rosa na karapat-dapat ang mga health worker na mabigyan ng malaking benepisyo at insentibo dahil sa kanilang mga sakripisyo para pangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino.

“In a line of work which is service oriented, there should be no distinction as to whether a health worker is public and private. Health care transcends all social statuses,” pahayag ni Dela Rosa sa panukala.

Ayon sa senador, hasbang ang mga public health worker ay protektado ng Republic Act No. 7305 o Magna Carta for Public Health Workers, ang mga nagtatrabaho naman sa private health institution ay walang maaasahan kundi ang kanilang mga employer.

Sa panukala ni Dela Rosa, nais nitong bigyan ng P5,000 allowance kada buwan ang mga health worker sa pribadong sektor.

Gusto rin nitong bigyan ang mga health worker ng Special Risk Allowance na katumbas sa maximum na 25% ng kanilang monthly basic salary lalo na iyong expose sa occupational risk.

Pagkakalooban din sila ng Subsistence Cash Allowance na hindi bababa sa P75 kada kain bukod sa bibigyan din sila ng Living Quarter’s Allowance na maaaring cash o in kind.

Pagkakalooban din ng cash benefit na P100,000 ang mga private health worker na maaaring maaksidente o mahawahan ng anumang sakit habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Ang mga health worker naman na mamamatay habang naka-duty ay makakatanggap ng P1,000,000 cash benefit.

“Health workers and their well-being are essential factors in protecting the people’s right to health. Laws protecting the welfare of health workers must be afforded to all health workers regardless as to whether they are publicly or privately employed,” sabi ni Dela Rosa. (Dindo Matining)

Source From:https://www.abante.com.ph/bato-mga-private-health-worker-dagdagan-benepisyo.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi