Wanted kay Kim Chiu ang gumawa ng art card niya na naglalaman ng pagkakamali niya sa ‘Bawal Lumabas’. Pero, wala siyang plano na talakan ito, kundi mas type niyang pasalamatan.
Nakaposte sa Instagram ni Kim ang larawan niya na nakaputing blouse at may caption ng statement niya tungkol sa ‘Law of Classroom’.
Nakalagay sa tabi ng pangalan niya ang mga linyang PBB University of Summa Cum Laude.
Maririnig ang boses ni Kim na inaawit ang lyrics ng ‘Bawal Lumabas.’
Sabi nga ni Kim, gusto niyang pasalamatan ang nag-edit ng art card.
“Hi Classmates!! Dati di ko alam kung anong dapat maramdaman pag nakikita ko tong art card na to. Ngayon ang gusto ko sana mahanap ang taong gumawa nito. Di para magalit or kung ano man gusto ko lang magpasalamat! Ginulo niya lalo ang utak ng mga tao in a happy way!!!
“Kaya kung sino ka man na gumawa ng art card nato sana makilala kita! Wag kana mag-ABSENT sa Classroom. Pakilala kana sakin! Tulad ni Adrian and DJ squammy! Sa classroom may batas bawal lumabas pero labas ka na one time lang! Artcard artist: ay pede na pala ikaw lumabas!” sabi ni Kim.
Samantala, tumugon na ang Wish Bus 107.5 sa pagnanais ni Kim Chiu na makapag-live guest uli sa programa at makanta niya ang ‘Bawal Lumabas’.
Nangako ang Wish Bus na papakantahin nila ang Kapamilya star kapag nag-normalize na ang lahat, o makatapos na sa problema ng COVID-19.
Sa ngayon ay nais nilang imbitahan si Kim sa kanilang connect series o online show. (Rey Pumaloy)
Source From:https://www.abante.com.ph/bawal-lumabas-art-card-artist-wanted-kay-kim.htm