Naghain na si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ng isang panukala para sa pagpapalawig ng validity ng Bayanihan to Heal as One Act hanggang Setyember 30, 2020.
Sa ilalim ng kasaulukuyang batas, ang karagdagang kapangyarihan na ipinagkaloob kay Pangulong Rodrigo Duterte para tugunan ang coronavirus pandemic ay magpapaso sa Hunyo.
“The extension will allow the President to continue to exercise the realignment of items in the national budget and other powers granted to him under the said law,” sabi ni Zubiri.
“To be able to provide emergency support for vulnerable groups and individuals, expand medical resources to fight COVID-19, and finance emergency initiatives to keep the economy afloat,” saad pa nito sa explanatory note.
Layon din ng panukala na amiyendahan ang sunset provision ng batas na naglilimita sa effectivity sa tatlong buwan lamang. May kahalintulad na panukala na ang naihain sa Kamara.
Inaprubahan ng Kongreso ang Bayanihan Law noong Marso 23 matapos ang special session. Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo ang panukala para maging batas noong Marso 25.
Nakasaad din sa panukala ang kapangyarihan kay Duterte na magbigay ng P5,000 hanggang P5,000 cash assistance kada buwan para sa dalawang buwan sa 18 milyong mahihirap na pamilya.
Nauna nang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na maaring aprubahan ng Kongreso ang Bayanihan law extension bago ang kanilang sine die adjournment sa Hunyo 23. (Dindo Matining)
Source From:https://www.abante.com.ph/bayanihan-law-extension-bill-inihain-ni-zubiri.htm