Bea sabik makasamang muli si John Lloyd

4 years ago 0 Comments

Ni: Jun Lopez

Nabulabog muli ang mga ­netizen sa pagbalandra muli ni John Lloyd Cruz sa social media, na dito’y kumpirmadong endorser na siya ng isang brand ng ­shawarma.

At ang mas nagpakilig sa mga netizen: Si Bea Alonzo pa mismo ang nag-post nito sa Instagram account niya.

Tatlong heart emoticon ang caption ni Bea sa picture ni John Lloyd habang kumakain ito ng shawarma. Sapat na ‘yon para ikatuwa ito ng mga netizens.
Halatang sobrang miss na ni Bea ang tambalan nila ni John Lloyd, kung saan sumikat ang karakter nilang sina Popoy at Basha sa mga pelikulang “One More Chance” at “A Second Chance.”

Nakakatuwa pa na excited din at suportado ni Bea ang pagbabalik ni John Lloyd, although marami pa rin ang nagsasabi na one time lang ‘yun, na kesyo hanggang commercial na lang nga si Lloydie at ‘di na talaga babalik sa pag-arte sa telebisyon o pelikula.

Sey ng ilang netizens:
Annejbobiles: “Yung si Bea ang nagpopost ng mga comeback pictures ni JL.”
amliwgabriel: “Popoyyyyyyy.”

areyoujo: “Popoy is back!!”

Kaaliw din ang komento ng isang netizen, na ‘di mo alam kung nilalait ang itsura ngayon ni Lloydie, “Nasaan na ‘yung nagsabi na si Empoy daw?
Si Popoy nga ‘yon, at hindi si ­Empoy, haha! Bleeh!

Source From:https://www.abante.com.ph/bea-sabik-makasamang-muli-si-john-lloyd.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi