Bela Padilla bagay na first lady ni Vico Sotto

3 years ago 0 Comments

May namumuong love team sa pagitan nina Pasig Mayor Vico Sotto at Bela Padilla. Nagsimula ang pagpi-pair sa kanila nang abutin ng curfew ang Kapamilya star sa kalye galing sa pamamahagi nito ng mga goods sa mga nangangailangan.

Ang nagpasimula ng love team ay ang mga follower ni Bela sa kanyang social media.

Ibinahagi ni Bela sa kanyang Twitter ang larawan ng isang barikada sa EDSA na hindi na puwedeng daanan pa ng kahit sinong motorista. At wala na ring nakikitang sasakyang bumibiyahe.

“Plot twist: inabutan ako ng curfew. Pano ku uuwi? Hahaha,” sabi ni Bela.

Ilan sa kanyang mga follower ang nag-comment at nag-suggest na umuwi muna ang aktres sa Pasig, kay Mayor Vico Sotto.

@francefriesm, “uwi ka po muna kina Mayor Vico hehehe shede keye yem? charot hahahaha ingat ka always momsh!”

Sumegunda naman ang iba.

@thinathoughts, “hoooyyy bat mo naisip yan!! wala na iisipin ko na na bagay sila tapos di ako makakatulog tonight kasi bagay sila.”

@JeanMalibiran2, “Yieehhh. Vico Bela..parang Vicky Belo.”

Hindi pa nagku-krus ang landas nina Mayor Vico at Bela pero kung tutuusin bagay silang dalawa at pareho pang galing sa pamilya ng mga artista.

Anyways, nakauwi naman si Bela sa kanyang tinitirhan at ayon sa kanyang tweet, i-isolate muna niya ang kanyang sarili ng ilang araw pero maganda ang kanyang pakiramdam.

Isa pang pagpapakita ng magandang puso ni Bela ay nang isakay niya sa kanilang dalang f bus ang isang guard na nadaanan nila sa kalye na nakaupo sa semento.

Ayon kay Bela, kanina pa naglalakad ang lalake. Bukod sa pagod na pagod na ito gutom na gutom pa.

Binigyan nila ito ng pagkain at goods mula sa nakuha nitong mga donasyon.

***

Pamilya Pangilinan gustong ipapatay ng mga basher

Pansamantalang isinara muna ni Frankie Pangilinan ang comment section ng kanyang Instagram account para makaiwas sa mga basher na gusto silang patayin sa mga message ng mga ito.

Pinoste ni Frankie sa kanyang tweet ang isang bahagi ng mga comment sa kanyang IG, kung saan naroon ang mga matatalim na mensahe ng kanyang mga basher.

Kinuyog ng panlalait, paglapastangan at gusto silang mamatay ng kanyang buong pamilya lalo na ang kanyang amang senador na si Kiko Pangilinan.

Sinabihan pa si Frankie na walang kontribusyon ang pamilya nila sa mga nangangailangan ngayong lockdown ang NCR.

Maliwanag na ang ilan sa mga ito ay mga supporter ni President Duterte, at ang talagang puntirya ng kanilang galit ay si Sen. Kiko na kontra sa kasalukuyang administrasyon.

Nadadawit lang si Frankie sa galit ng maka-Duterte dahil sa kanyang ama.

@kakiep83, “I’m turning off comments on my instagram because I woke up like this. – I’ve never gotten this volume of commentary before. – this isn’t even political discourse it’s just blatant negativity, the kind of energy we don’t need to foster at this time.”

Source From:https://www.abante.com.ph/bela-padilla-bagay-na-first-lady-ni-vico-sotto.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi