Paano ba naging matagumpay ang “secret wedding” ng AshMatt (Sarah Geronimo at Matteo Gudicelli)? Ayon sa beteranang entertainment writer/talent manager na si Manay Lolit, tatlong prominenteng tao ang nasa likod ng tagumpay sa kasalang Mr. and Mrs. Gudicelli.
Maliban sa pamilya ni Matteo na full support na mapabilang sa pamilya nila si Sarah, isiniwalat ni Manay Lolit na sina Boss Vic del Rosario, Virgie Ramos at Dra. Vicki Belo ang mga malalapit na tao sa AshMatt ang tumulong upang matuloy ang matagal na nilang pinaplanong pagpapakasal.
Malinaw naman na si Boss Vic pa ang pumagitna sa isyu at magtanggol sa AshMatt nang magreklamo si Jerry Tamara na bodyguard ni Sarah sa Tulfo na sinapak umano siya ni Matteo.
Makikita naman sa Instagram ni Dra. Belo na sinamahan pa niya ang mag-asawa na bumili ng mga kagamitan sa kanilang magiging bagong tahanan.
Habang si Ramos naman ay talagang inalalayan ang AshMatt simula’t sapul palang ng kanilang pag-iibigan.
Laking pasasalamat naman ng mga fan sa mga nabanggit na tao sa pagtulong sa kanilang mga idolo na isakatuparan ang kanilang kasal. May mga nagsabi nga na sa husay ni Mommy Divine na magbantay kay Sarah, naisahan talaga siya. Hindi umubra ang tapang, at husay niya na daig pa ang mga basketball player sa pagbabantay, ha! Dahil ‘yon nga, panalo ang tatlo at natuloy talaga ang kasal.
Well, sina Del Rosario, Belo at Ramos ang maituturing na fairy godparents ng AshMatt upang mairaos ang kanilang fairytale love story. At sila pa rin ang dapat na maging gabay ng mga ito sa mga darating pang panahon. (Athena Yap)
Source From:https://www.abante.com.ph/belo-boss-vic-pinagtulungan-si-mommy-divine.htm