Ben&Ben vocalist dumaan sa mental, emotional struggle

3 years ago 0 Comments

Nag-alala ang mga fan sa favorite vocalist nila mula sa bandang Ben&Ben. Nagbahagi kasi si Paolo Benjamin, na other half ng kambal sa naturang banda, ng pahapyaw na kuwento tungkol sa kanyang mga pinagdaraanan kamakailan.

Laman ng kanyang ibinahaging note sa Twitter ay ang kuwento tungkol sa kanyang mental and emotional struggle na ngayon ay nalagpasan niya na dahil sa kanyang matibay na pananalig.

“Months ago, I wasn’t in a good place. I was heavy spiritually, emotionally and mentally,” unang bahagi sa kanyang kuwento.

Aniya, pagkatapos ng kanyang unang pagkukwento tungkol sa kanyang mga pinagdaanan ay susundan pa niya ito ng marami pang kuwento, siguro ay para mapagaan ang loob ng mga fan niya na parehas ng pinagdaraanan.

“Change began when I surrendered it all to God, and lived a life of faith, trust and belief that things will turn out fine,” sabi pa niya.

Hinikayat pa ng bokalista na magtulong-tulong ang lahat para mapagaan ang loob ng mga may problema.

“To you who is (sic) struggling right now, it is never too late to turn things around and become the best version of yourself. Let’s lift each other up, not pull each other down,” dagdag pa ni Paolo.

Kalakip ng kanyang note of wisdom ay litrato niya kung saan makikitang blooming talaga siya. Bago pa nga niya ibahagi ang kuwentong iyon, may throwback post pa siya with caption na “brb gonna lose weight. see you tonight.” (Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/benben-vocalist-dumaan-sa-mental-emotional-struggle.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi