Bianca ban sa taping ng ‘Ang Probinsyano’

3 years ago 0 Comments

Pansamantalang tumigil munang mag-taping ng ‘Ang Probinsyano’ si Bianca Manalo para sa self-quarantine sa kanyang bahay. Nagdesisyon si Bianca na dumistansya muna sa lahat dahil sa kanyang kasintahang si Sen. Win Gatchalian na nag-self-quarantine rin matapos magpositibo ang isa sa mga dumalo sa hearing ng komite nito tungkol sa basic education, noong March 5, 2020.

Naka-paskil sa Ins­tagram ng aktres ang selfie pic niya na naka-face mask at yakap ang isang libro.

“Hello everyone. As soon as I heard the news yesterday, I have decided to do a self-quarantine until I get tested. It makes me sad that I won’t be able to see my own family, Probinsyano family and friends as of the moment. But we need to be proactive.

“Stay safe, drink vita­min C, boost your immune system, drink lots of water and rest. I’ll keep myself busy by finishing­ all my books or start my new koreanobela, Itaewon­ class,” sabi ni Bianca.

Troy Montero binitin ang mga beki

Sa gitna ng pandemic, nakuha pang mag-post na nakahubad ang mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero, dahilan para pagnasaan ang huli ng mga bakla at gawing katatawanan ang sitwasyon.

Magkahiwalay na nagposte sina Troy at Aubrey ng larawan nila nakalub­lob sa isang bathtub sa San Benito Farm sa Batangas. Base sa posting ni Aubrey sa kanyang Instagram, isa itong skin care treatment na ginagawa sa nasabing resort.

Makikita sa larawan ang hubad na katawan ni Aubrey na bahagyang natatakpan ng tubig na kulay gray.

At sa post naman ni Troy sa kanyang Instagram, nakalublob din ang buong katawan niya sa tubig at nakabukaka ang mga binti sa magka­bilang gilid ng tub.

Hindi nakaligtas sa paningin ng marami ang isa pang binti na nakaharap at tila nakatutok sa kaselanan ni Troy.

Pareho ng posting sa bathtub sina Troy at Aubrey, kaya alam ng mga naka-follow na binti ito ni Aubrey.

Nanguna si John Lapus sa pagsita kay Aubrey sa comment nito na tanggalin ang binti nito sa kaselanan ni Troy dahil nabibitin sa pamboboso ang mga bakla.

“@milesaubrey, tabi mo naman paa mo sister! Istorbo. Nabibitin ang mga bakla.”

Kung ano-ano na ang mga comments na mababasa sa post na ito ni Troy ay ang lahat ay naka-sentro sa tila kinky position ng mag-asawa.

Ang ilan tinukoy pang ‘snake’ ang kaselanan ni Troy. Ang iba ay nag-comment na merong ‘manaconda’ si Troy. ‘Third leg’ naman ang sabi ng iba.

Sinasabi naman ng isa na nilalaro ni Aubrey­ ang batuta ni Troy sa pamamagitan ng kanyang­ paa.

Nakatulong ang post na ito nina Troy at Aubrey para kahit paano ay ma-entertain at pansaman­talang makalimot ang netizen sa takot at pag-alalala sa COVID-19.

Source From:https://www.abante.com.ph/bianca-ban-sa-taping-ng-ang-probinsyano.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi