Binarubal, tinarantado tayo, kumilos na tayo – Coco Martin

3 years ago 0 Comments

Markado nga ang mga linyang binitawan ni Coco Martin sa Laban Kapamilya ng mga Kapamilya star noong Biyernes ng gabi.

Sa pangalawang beses na lumabas at nagsalita si Coco ay mas naging matapang pa siya, bagamat panay ang hingi niya ng paumanhin. Matapos ngang maglitaniya ni Coco ay nagpasalamat sina Bianca Gonzales at Boy Abunda sa kanya. At sinabihan din nila si Coco na hindi ito dapat mag-sorry sa mga nasabi niya.

At dahil doon ay muli ngang nagsalita si Coco. Heto nga ang kanyang pahayag:

“Ang tao ngayon hindi makukuha sa diplomasya. Binarubal na tayo. Tinarantado na tayo. Kinuha na iyong bahay natin. Anong ie-expect natin? Pagdadasal natin sila? Pinagdasal na natin sila. Tiniis na natin sila. Dapat kumilos na tayo. Dapat magsalita tayo,” sambit ni Coco.

“Kasi kung lahat tayo mananahimik, aabusuhin tayo niyan. Para tayong bata na kinotongan, at kapag nagkita kayo niyan, ano ang ie-expect mo? “Kasi ito ang pagkakataon natin. Wala na tayong trabaho. Ano ang iingatan natin? Ako wala nang trabaho. Ano ang ipapakain ko sa pamilya ko?

“Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako,” galit na galit na pahayag na lang ni Coco. (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/binarubal-tinarantado-tayo-kumilos-na-tayo-coco-martin.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi