UMAABOT sa P4 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa isang 16-anyos na binatilyo matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya noong Lunes nang gabi sa Brgy. Duljo, Cebu City.
Ang 16-anyos na suspek na sadyang hindi na pinangalanan ng pulisya ay umamin na sa kanya ang 600 gramo ng shabu subalit ipinadala lamang umano ito sa kanya ng isang Raven Donza, isang drug suspect na naaresto noong nakaraang buwan matapos makuhanan ng 5 kilo ng shabu.
Ayon pa sa binatilyo inutusan lamang umano siya para mag-deliver ng nasabing shabu kapalit ng halagang P500.
Apat na beses na umano niya itong ginagawa bago ang pagkakahuli sa kanya noong Lunes nang gabi sa C. Padilla St. Brgy. Duljo ng nasabing lungsod.
Mahigit isang linggong minanmanan ng Drug Enforcement Group (DEG) Central Visaya sa pangunguna ni Police Lt. Col. Glenn Mayam bago ang positibong pagkakadakip sa suspek.
Sa ngayon ay pansamantalang inilagak sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Cebu City ang suspek habang ang nakuhang iligal na droga dinala sa DEG-Central Visayas. (Edwin Balasa)
Source From:https://www.abante.com.ph/binatilyo-timbog-sa-%e2%82%b14m-shabu.htm