Binuking ni Sotto: Erap ‘di umubra kay FPJ

3 years ago 0 Comments

Matalik na magkaibigan sina dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada at ang yumaong action king na si cPoe Jr.

Pero noong tumakbo sa 2004 presidential elections si Poe, hindi si Erap ang nakakumbinse sa aktor na pumalaot sa politika.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, siya ang kumumbinse kay FPJ na tumakbo matapos ang masinsinang pakikipag-usap dito sa isang set ng pelikula sa Ilocos.

“Hindi siya nakumbinse ni Erap,” paglalahad ni Sotto sa isang radio interview.

Kasama umano niyang kumausap kay FPJ sina dating Senador Gringo Honasan at ang namayapang dating Senador Tessie Aquino-Oreta. Silang tatlo rin ang nasa likod ng kampanya.

Sumuporta umano ang maraming negosyante kay Poe dahil sa pagiging malinis nito.

“Gusto nila gumanda takbo ng ekonomiya. Malinis ang pangalan, malinis ang kalooban, hindi kayang i-corrupt,” saad ni Sotto.

Naungkat ito ni Sotto dahil sa pagkamatay ng kaibigan niyang si Aquino-Oreta na orihinal na miyembro ng Macho Bloc sa Senado.

Source From:https://www.abante.com.ph/binuking-ni-sotto-erap-di-umubra-kay-fpj.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi