ISA sa pangunahing panukala na nais isulong kapag pinalad sa Senado ang kandidatura ni dating Senador Bong Revilla ay ang pagtatatag ng sick leave at family medical leave sa mga empleyado ng pribado at pampublikong sektor.
Sa ginanap na Hugpong Ng Pagbabago Campaign Caravan sa Legaspi City, Albay kamakailan lang ay ibinahagi ni Revilla sa harap ng mahigit 5,000 Bicolano ang kanyang pagnanais na matulungan ang mga manggagawang Pinoy.
Ipinaliwanag ni Revilla ang kanyang plataporma kung saan pangunahin dito ay ang panukalang pag-institutionalize ng sick leave sa mga empleyado.
Inilatag din ni Revilla ang kanyang legislative agenda na magkaroon ng family medical leave ang mga empleyadong may mga kaanak na nagdadala ng malulubhang karamdaman.
Sa nasabing caravan ay inendorso si Revilla ni Albay Governor Al Francis Bicharra at Ako Bicol Party-List sa pangunguna nina Congressman Pido Garbin at Eddie Garcia.
Source From:https://www.abante.com.ph/bong-revilla-isusulong-ang-family-medical-leave.htm