Boracay rehab binuhusan ng ₱25B ni Duterte

4 years ago 0 Comments

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Boracay Medium Term Action Plan na popondondohan ng 25 bilyong piso para mas lalong mapaganda at mapaunlad ang isla.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na ang plano para sa Boracay ay inaprubahan ng Pangulo sa cabinet meeting Lunes nang gabi.

Sa ilalim ng medium term action plan, magpapatupad ng mga regulasyon para sa mga turistang bibisita sa Boracay pati na rin sa hotel accommodation.

Mahigpit na babantayan ng gobyerno ang waste management system ng isla para matiyak na hindi na maulit ang pagkasalaula sa karagatan ng Boracay.

Ang kawalan ng maayos na sewage system ang isa sa mga dahilan kung bakit ipinasara ni Pangulong Duterte ang Isla ng Boracay sa loob ng anim na buwan dahil dumidiretso sa dagat ang dumi at ihi mula sa mga establisimento.

Ilalarga rin sa inaprubahang action plan ang rehabilitasyon ng ecosystem sa buong isla, pati na ang pagpapaganda sa mga kalsada, pasilidad para sa mga paaralan at pagtatayo ng permanenteng housing program para sa mga katutubo.

“We likewise announce the approval of the Boracay Medium-Term Action Plan which will sustain the efforts of the government after its closure,” ani Panelo. (Aileen Taliping)

Source From:https://www.abante.com.ph/boracay-rehab-binuhusan-ng-%e2%82%b125b-ni-duterte.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi