‘Bully mayor’ binira ni Duterte sa Pasig

4 years ago 0 Comments

BINAKBAKAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi niya pinangalanan na ‘bully mayor’ sa ginanap na mi­ting de avance ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kamakalawa nang gabi sa Philippine Sports Arena sa Pasig City.

“Ito kasing Pilipinas, the politics here are being claimed by the elite, ‘yung mga mayayaman na matagal na sa politika at pabalik-balik na lang,” banat ni Duterte.

Ang pahayag ni Duterte ay sinalubong ng malakas na sigawan ng mga residente ng Pasig. Maglalaban sa halalan dito ang 29-anyos na si Vico Sotto at si incumbent Ma­yor Bobby Eusebio, na ang pamil­ya ay nasa kapangyarihan mula pa noong 1992.

Nitong nagdaang araw ay nag-post sa social media si Sotto at inireklamo ang ginagawang pagpapahirap sa kanyang pangangampanya dahil sa pagkuha pa lang ng permit para makapagsagawa ng rally ay nire-reject na ito ng Pasig City government.

Minsan na ring nakatikim si Pangulong Duterte ng pananabotahe sa kanyang kampanya noong 2016 elections kaya’t hindi niya makalimutan ang mga politikong nambastos sa kanya.

“Pinapatayan ng ilaw, walang stage?” saad ni Duterte.

“Patay ka. Itong a***** na ito, pinapalusot ko lang eh,” babala pa ng Pangulo.

“‘Yung ganon na klaseng politiko, bastos ‘yun, you do not belong in politics. Bantay ka sa akin. Do you want me to embarrass you before your constituents? Just let me know, I will do it,” dagdag pa niya. (Juliet de Loza-Cudia)

Source From:https://www.abante.com.ph/bully-mayor-binira-ni-duterte-sa-pasig.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi