Hindi na nag-comment pa tungkol sa monetary liability ng Kapuso network na inihatol ng korte sa aksidente ni Eddie Garcia na siyang dahilan ng pagkamatay nito sa isang taping sa nasabing TV station.
Sa panayam ng “Abantelliling” kay Ms. Lilibeth Romero, sinabi nitong mas importante sa kanyang maisulong ang Eddie Garcia Law para sa kapakanan ng ibang mga artistang gaya ng kanyang partner at maprotektahan ang mga ito sa kanilang workplace.
Ayon kay Ms. Romero, ang kanyang anak na si 1-Pacman Party-list Rep. Michael Romero ang nagsusulong ng batas na ito sa Kongreso.
All-support si Ms. Lilibeth sa Eddie Garcia Law, kaya hinihikayat niya ang buong industry na suportahan ito.
Higit sa thirty years na nagsama sina Tito Eddie at Ms. Lilibeth.
Sambit sa amin ni Ms. Lilibeth, malungkot siya ngayon at malaki ang ipinangayayat niya.
Bumalik siya sa bansa matapos siyang magbakasyon sa abroad, para magpataba.
Dumalo si Ms. Lilibeth sa Film Ambassadors’ Night ng FDCP nitong Linggo ng gabi sa Maybank Performing Arts Theater, sa BGC. Tinanggap niya ang award para kay Eddie.
Liza Diño humagulgol sa Ambassadors’ Night
Naging emosyonal si FDCP Chair Liza Diño-Seguerra sa kanyang speech nitong Linggo sa Film Ambassadors’ Night na ginanap sa Maybank Performing Arts Theater, sa The Fort.
Maigting ang speech ni Chair Liza tungkol sa MOA sa pagitan ng DOLE at ng FDCP para protektahan ang kapakanan ng mga audio-visual workers ng entertainment industry.
Hindi napigil ni Chair Liza ang maluha nang banggitin niya ang mga sakripisyo ng mga audio-visual workers na hindi lang katawan ng mga ito ang ibinibigay nila sa trabaho, kundi buhay at kaluluwa.
Marami na ang binawian ng buhay nang walang natanggap na pagkilala at benepisyo. Ang ilan ay nagkasakit nang walang natatanggap na tulong.
Kaya sa MOA, mailalagay sa tamang working hours at overtime benefits ang mga ito, at mga benepisyo.
Sa panayam ng “Abantelliling” kay Chair Liza, inamin niyang mga producer ang nag-text sa kanya para paalalahanan siyang baka mamatay ang industriya sa MOA lalo’t maliit lang ang ilang mga film companies.
Sey naman ni Chair Liza, makikipag-dialogue siya sa mga producers para sa kanilang hinaing kaugnay sa MOA.
Andrea pinaiyak ni Derek
Nalusaw na naman ang puso ni Andrea Torres sa kasintahang si Derek Ramsay sa advance Valentine’s gift nito mula sa boyfriend.
Naka-post sa Instagram wall ni Derek ang larawan ni Andrea na hawak-hawak ang isang pusa.
“I hope you liked my surprise for you today @andreatorres.”
Sa karugtong na caption, napaiyak raw si Andrea sa advance Valentine’s surprise nito sa kanya.
Nag-vlog na rin sina Derek at Andrea. Nag-imbita ito sa kanyang mga follower na panoorin ang naging kaganapan sa pagpapaiyak niya sa aktres.
Julia enjoy sa bugbugan
Tuloy-tuloy na ang pagbabalik-telebisyon ni Julia Montes ngayong ipinasilip na niya ang teaser ng teleseryeng ginagawa niya ngayon, ang “24/7”. Isa itong once a week teleserye na mapapanood tuwing Linggo sa Kapamilya network.
Naka-post sa Instagram ni Julia ang ilang mga eksena na pawang action. Sa teaser, makikitang naka-uniform si Julia at nakikipagbakbakan sa mga kalaban.
Nasa huling frame si Edu Manzano na may mahalagang gagampanang role sa serye.
Excited na ang mga fan ni Julia na naghihintay ng kanyang pagbabalik at sa pangakong mas mahusay pa ngayon ang aktres kaysa dati.