Cassey Legaspi pang-barako ang workout

3 years ago 0 Comments

Sa likod ng kanyang magandang mukha, innocent eyes, charming smile at sweet image may natatago pa lang astig sa katawan ang isa sa kambal nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na si Cassey Legaspi.

Nasorpresa ang followers ni Zoren sa pinoste nitong larawan ng anak, sa paraan ng work out nito. Malayo si Cassey sa ibang mga celebrity na pare-pareho ang working out programs.

Ang gym routine ni Cassey ay pang-barako at pang-mabigatan gaya nang ginagawa nina Winwyn Marquez, Angel Locsin (noong naghahanda pa lang ito sa kanyang Darna project) at Iya Villania (bago ito nabuntis sa bunso nila ni Drew Arellano).

Pinoste ni Zoren ang dalawang larawan ni Cassey na bumubuhat ng malaking metal plates.

“@cassy teaching me how to deadlift properly #strong #athlete #lifestyle #workout #homeworkout,” sabi ni Zoren.

Ngayon alam na ng mga fans na hindi baby fats meron si Cassey kaya ito malaman, kundi muscles na nakuha nya sa pagbubuhat ng mabibigat na weights. (Rey Pumaloy)

Source From:https://www.abante.com.ph/cassey-legaspi-pang-barako-ang-workout.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi