CDC official sibak sa pagmura sa anak ni Albayalde

4 years ago 0 Comments

ISANG retiradong police general ang tinanggal sa trabaho sa Clark Development Corporation (CDC) dahil sa ginawang pag-aresto ng kanyang mga tauhan sa anak ni Phi­lippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde.

Nabatid na tinanggal ni retired police ge­neral Ramsey Ocampo, vice president for security ng CDC, si retired ge­neral Romeo Ver, mana­ger ng Public Security Department.

Nag-ugat ito sa ginawang pagdakip ng CDC Police sa binatang anak ni Philippine National Police Chief Ge­neral Oscar Albayalde at ang police security nito habang nakaparada ang sasak­yan nito sa CDC parade ground Martes nang umaga.

Si Kevin Albayalde at ang hindi pa kilalang police security nito ay agad dinala sa tanggapan ni Ver.

Nagpakilala umano si Kevin na anak ito ng PNP Chief subalit hindi siya pinakinggan ng mga tauhan ng CDC Police at sa halip ay dinisarmahan pa ng mga ito ang kanyang police security bago dinala sa tanggapan ni Ver.

Nabatid na napagkamalan umano na isang Chinese national si Ke­vin nang arestuhin ito dakong alas-nuwebe nang umaga. Batay sa nakalap na impormasyon, pinagmumura diumano ni Ver si Ke­vin at ang mga police security nito habang sila ay iniim­bestigahan.

Habang sinusulat ang balitang ito ay tumangging magbigay ng paha­yag sa media ang Pampanga Provincial Police at CDC Public Safety Department. (Rudy ­Abular)

Source From:https://www.abante.com.ph/cdc-official-sibak-sa-pagmura-sa-anak-ni-albayalde.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi