Nanguna na ang Cebu City sa may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sa pagsusuri ng ABS-CBN Data Analytics team batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) hanggang Hunyo 10, mayroong 2,549 na confirmed COVID-19 cases na sa lungsod ng Cebu.
Hindi naman nalalayo ang Quezon City na mayroong 2,519 kaso, na sinundan ng Maynila (1,611), Makati City (753) at Paranaque City (692).
Kabilang din sa 10 siyudad na may mataas na kaso ng COVID-19 ang Caloocan (676), Mandaluyong (651), Pasig (601), Taguig (531), at Pasay (445).
Wala pang inilalabas na detalyadong data ang DOH para sa 443 na confirmed cases na na naidagdag nitong Huwebes.