Giniit ni Cebu Governor Gwendolyn ‘Gwen’ Garcia na hindi pa umano tamang panahon para isagawa ang mga inter-school meet dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay umano sa tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, anumang mga malalaking pagtitipon ay maaaring maglapit pa umano sa mga estudyante sa pagkakahawa ng sakit.
Nakatakdang isagawa ang Central Visayas Regional Athletic Association regional meet simula Marso 15 hanggang 21 sa Dumaguete City, Negros Oriental. Habang ang National Schools Press Conference ay naka-schedule namang mangyari sa Marso 9 hanggang 13 sa Tuguegarao City, Cagayan Valley. (Prince Golez)
Source From:https://www.abante.com.ph/cebu-gov-covid-19-banta-sa-malalaking-school-activity.htm