HINIRANG bilang Player of the Week ng UAAP women’s volleyball tournament si De La Salle University (DLSU) Lady Spiker Desiree Cheng sa magandang performance na ipinakita nito.
Kasalukuyang nasa ikalawang pwesto ang three-time champions DLSU hawak ang 7-3 win-loss record.
Humataw ang veteran open spiker ng 17 points laban sa National University noong Marso 27 at career-high 20 points naman kontra University of Santo Tomas noong Marso 31.
Umaapaw pa ang ‘La Salle swag’ nang inudyok ni Cheng ang DLSU crowd na kontrahin ang USTe chant sa Mall of Asia Arena noong Linggo.
“Parang nag-iingay na ‘yung crowd ng UST. Remember the UP game? Nagsimula mag-ingay ‘yung UP crowd and na-rattle kami,” kwento ni Cheng. (Janiel Abby Toralba)
Source From:https://www.abante.com.ph/cheng-player-of-the-week.htm