Chinese na nanakit ng enforcer, nagbibisikleta sa Makati kinasuhan na

3 years ago 0 Comments
Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA – Kinasuhan na ng Makati City police ang babaeng nagwala umano at nanakit ng enforcer at nagbibisikleta sa siyudad. 

Kasong physical injury at disobedience to persons in authority ang isasampang kaso laban kay Dong Li, 27, na residente ng Makati City, ayon kay Makati police chief Oscar Jacildo. 

Maaalalang nag-viral si Li nang makitang hinahampas at sinisipa nito ang mga miyembro ng Public Safety Department ng Makati. 

Napadaan din ang isang biker na si Jefferson Reyes subalit ito naman ang napagbalingan. Nasugatan din si Reyes sa insidente. 

Ayon sa Makati police, pinigilang tumawid ng enforcer ang babae dahil naka-go ang mga sasakyan subalit nagalit ito at nagwala. 

Namalo pa ang Chinese ng mga dumadaang sasakyan at pilit na itinumba ang isang signage. 

Hindi naman pinayagan ng PNP na isailalim sa psychiatric test ang babae upang malaman kung may problema ito sa pag-iisip. Kailangan pa kasi ng court order para rito. 

— Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/07/09/20/chinese-na-nanakit-ng-enforcer-nagbibisikleta-sa-makati-kinasuhan-na

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi