Chokoleit ‘nagalit’ kay Pokwang

3 years ago 0 Comments

Nagsimula na ang burol ni Chokoleit kahapon sa Paket Memorial Chapel sa Marcos Highway, Antipolo, Rizal. Madaling-araw kahapon duma­ting ang bangkay ng komedyante sa naturang lugar, at nagtulong-tulong ang mga kaibigan niya na ayusin ang kanyang pagbuburulan.

May natika na nagdala ng damit, nag-makeup, at nag-ayos ng lugar.

Si Pokwang na malapit lang sa lugar na ‘yon ay hindi maawat-awat ang pag-iyak. Panay ang post ni Pokwang ng mga video, photo nila ni Chokoleit na wala silang ginawa kundi ang magkulitan, mag-away.

“Ganito tayo kabaliw mag-asaran at maglaitan to the point na hindi na halos maintindihan at masakyan ng iba ang kabaliwan natin, sineseryoso nila minsan, para satin kasi mas totoo ang friendship natin kapag nilalait natin ang isat isa, pina-plastic natin ang isat isa kapag pa­nay ang papuri. Miss kana namin agad-agad ninang Chokie. Wag kang magalala isa sa u­nang dasal na ituturo ko kay @malia_obrian ay ang kapayapaan mo at ang manatili ka sa piling ni God. We love you!” sabi ni Pokwang.

Kinuwento rin ni Pokwang na agad-agad niyang napaniginipan si Chokoleit.

“Pinaka-hate ko yung bumili ng bulaklak para sa namayapang mahal mo. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Kagabi napaginipan kita, galit ka kasi walang lalagyan ng ulam na gusto mo mula sa kusina ko,” kuwento ni Pokwang.

Anyway, si Coco Martin daw ang isa sa mga unang nagpadala ng mga bulaklak sa burol ni Chokoleit.

Meanwhile, panay rin ang iyak ni Sharon Cuneta sa Instagram stories niya dahil kay Chokoleit. Sabi nga niya, life is short, at siguro nga raw, walang masama kung alagaan mo ang sarili mo, bago ang ibang tao.

Source From:https://www.abante.com.ph/chokoleit-nagalit-kay-pokwang.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi