NEW YORK — Hindi awtorisadong lumipad sa low visibility ang Sikorsky S-76B Helicopter na sinakyan ni NBA Legend Kobe Bryant na kinamatay niya, 13-taong gulang na anak na si Gianna, at pito iba pa.
Walang instrument flight rule certification ang kompanyang island Express Helicopter na may-ari ng helicopter na sinasakyan ng mga biktima.
Ayon sa Federal Aviation Administration, hindi dapat pinayagan ng Island Express Helicopter Company na lumipad ang pilotong si Ara Zobayan dahil walang Instrument Flight Rule Certificate ang naturang kompanya.
Si Zobayan ang piloto at kabilang sa mga namatay sa helicopter crash sa Calabasas City, Los Anegeles, California nitong Enero 26.
Siya rin ang chief pilot ng naturang kompanya kung saan sampung taon na siyang nagtatrabaho at may 8,000 flight hour.
Sinabi ni Jennifer Homendy ng National Transportation Safety Board (NTSB), isa sa kanilang iniimbestigahan ang mga anggulong human at mechanical failure kabilang na ang environment condition ilang minuto bago mag-crash ang helicopter.
Sa initial investigation report, nag-panic climb umano ang pilotong si Zobayan nang ma-trap sa makapal na ulap sa bahagi ng Calabasas sa California kung saan bumagsak ito.
Bagama’t maaring paliparin ng isang piloto ang Sikorsky S-76B mas technically safe anila kung dalawang piloto ang magpapalipad nito.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng NTSB para tukuyin ang dahilan ng aksidente. (Dave Llavanes Jr.)
Source From:https://www.abante.com.ph/chopper-ni-kobe-pinalipad-kahit-bawal-sa-fog.htm