Claudine Barretto todo bantay kay Mommy Inday

3 years ago 0 Comments

Nasa poder pala ni Claudine Barreto namimirhan ang kanyang inang si Inday Barretto ngayong panahon ng lockdown. Ipinakita ni Claudine ang pagpapatunay na wala sa ibang mga kapatid niya ang Mommy Inday niya kundi nasa kanyang bahay.

Pinoste ni Claudine ang larawan kung saan binibigyan ng haircut ng nanay nya ang kanyang adopted daughter na si Quia. Ito ang unang pagkakataong nagposte si Claudine ng larawang kasama niya ang ina sa panahon ng ECQ.

Hindi na binanggit pa ni Claudine kung kailan dumating sa bahay niya ang ina. Kilala naman kasi ang controversial actress na transparent sa kanyang mga follower, na halos lahat ng kaganapan sa kanyang araw-araw na buhay ay ibinahagi at ipinapakita nito sa social media account niya.

No wonder kaya pala madalas magpadala ng kung ano-anong pagkain ang kapatid nitong si Gretchen Barretto dahil nasa poder ni Claudine ang Mommy nila.

Kunsabagay, kahit naman wala pang ECQ alaga na ni Gretchen na busugin ang kanilang bunsong kapatid ng kung anu-anong mga pagkain at grocery items. (Rey Pumaloy)

Source From:https://www.abante.com.ph/claudine-barretto-todo-bantay-kay-mommy-inday.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi