Coco basag ang mukha, napaaga ang penitensya

3 years ago 0 Comments

Kalunos-lunos ang sinapit ni Coco Martin nang mapaaway sa isang bar. Pinagtulong-tulu­ngan siyang bugbugin nang higit sa sampung kalalakihan nang subukan nitong ipagtanggol ang isang babae na binabastos sa naturang bar.

Sapak, tadyak, pinalo ng bote at silya, pinagulong-gulong at tinutukan ng baril habang naliligo sa sariling dugo. Eksena nga iyan sa “Ang Probinsyano”. Ash Wednesday pa lang noon pero tila napaaga ang penitensiya ni Coco.

Muli, nalagay sa panganib ang buhay ni Cardo Dalisay. Sino nga kaya ang sasagip sa ­buhay ng ating bida?

Maraming viewers ang naawa sa sinapit na Coco na kung puwede lang ay pumasok sila sa eksena at awatin, tulu­ngan si Coco.

Ang ilan naman, kinondena ang marahas na fight scene na si­yempre prone na mapanood ng mga bata. Kaya nga dapat, gabayan ng kanilang mga magulang ang mga ito habang nanonood.

Ganoon kalakas ang makaapekto sa buhay ng mga fan ang teleseryeng “Ang Probinsyano” na kahit apat na taon na sa ere ay patuloy pang sinusubaybayan.

Paano na lang kung matuloy ang pagsasara ng ABS-CBN? Tiyak mami-miss nila si Cardo Dalisay.

Maine halos maihi sa TGIS

Hindi man Sabado ay ipagpapasala­mat mo sa Diyos na makitang magkakasamang muli ang ilan sa cast ng hit barkada drama na “TGIS (Thank God It’s Sabado)” kahapon, Huwebes, sa ‘Bawal Judgmental’ segment ng “Eat Bulaga”.

Present nga sina ­Angelu de Leon, ­Bobby Andrews, Dino ­Guevarra, Maui Taylor, Polo ­Ravales, Michael Flores, at Ciara Sotto.

Habang naglalaro ay hindi tuloy maiwasan na balikan ang mga ganap nila noon, gaya ng pagliligawan off screen. Nagkabukingan nga kung sino-sino ang na in love sa isa’t isa, ligawan days, sulutan, etc.

As we all know, may kanya-kanya nang ­buhay ang mga ito at kahit may kanya-kanya na silang ka-love team noon ay hindi nga ­nagkatuluyan ang mga ito.

Umabot din sa apat na taon na umere ang “TGIS” na nagtapos noong Nobyembre 1999.

Sa social media ay ina­min ni Maine ­Mendoza na sobrang kilig na kilig siya kina Dino at Kim delos Santos, ha! At makikita rin na talagang para siyang naiihi sa tabi ni Dino, lalo na noong ma­laman niya na nagbaba­lak si Dino na puntahan si Kim sa New Jersey.

Source From:https://www.abante.com.ph/coco-basag-ang-mukha-napaaga-ang-penitensya.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi