Coco naaawa sa ‘Ang Probinsyano’ crew kaya emosyunal sa…

3 years ago 0 Comments

Umingay muli ang pangalan ni ‘Ang Probinsyano’ star Coco Martin sa katatapos na hearing patungkol sa ABS-CBN franchise matapos itong birahin ni Solicitor General Jose Calida Jr.

Pero ayo sa kampo ng aktor, ang marubdob na pagnanasa nitong ingatan at mabigyan ng pagkakakitaan ang mahigit 500 katrabaho sa “Ang Probinsiyano” tele series ang nagbunsod sa kanya na maging emosyonal nang magsarado ang ABS-CBN.

Dahil dito, hindi sinasadya, napagitna muli ang pangalan ng aktor sa isyu ng ABS-CBN nang dumalo si Solicitor General Jose Calida sa pinakahuling pagdinig sa Kamara noong Lunes.

Nananatili nang tahimik si Martin mula nang siya nang ipahayag niya ang kanyang personal na damdamin sa media.

Nagkakaisa ang mga mambabatas na dapat na manatili na lamang sa isyu ang usapan at iwasan ang ungkat ng personalidad upang hindi maligaw sa pagtalakay.

Ang pagdawit sa pangalan ng actor sa isyu ay magpapasalimuot lamang sa sustansiya ng pagdinig kaya’t dapat na igalang na lamang ang personal na opinion ni Martin hinggil sa prangkisa ng ABS-CBN.

Iyan din mismo ang nilinaw ng aktres na si Angel Locsin na magbigay ito ng opinion sa pagsasabing hinahangaan niya si Martin dahil sa kanyang matibay na disposisyon na dapat lamang na igalang ng lahat bilang bahagi ito ng demokratikong institusyon.

“I know your intentions are pure and thank you for standing up for what you believe in,” wika ni Locsin sa isang panayam.

Ganyan din ang paniniwala ng isang veteran journalist na nagsabing dapat igalang ng lahat ang anumang emosyon na inilalabas ng isang indibidwal kaugnay sa isyu tulad ni Martin.

“Coco may not be perfect in language or expression but, clearly, their hearts are in the right place,” pahayag ng isang beteranong brodkaster kaugnay sa isyu na kinasangkutan ni Martin.

Hindi naman nagpaiwan ang aktres na si Yassi Pressman sa paggarantiya na may malinis na hangarin at pagkatao si Martin.

Humingi ng pang-unawa si Pressman sa lahat ng kinauukulan upang hindi maligaw sa isyu ang mga mamamayan.

“Si Coco Martin po ay ilang taon ko na pong kilala, at sa pagkakakilala ko po sa kanya ay mabuti po siyang tao,” paliwanag ng aktres.

“Pasensya na po kayo, kung sa pagkarinig po ninyo ay nadadala po siya sa kanyang emosyon, at ‘yun po ay dahil mahal na mahal niya po ang mga ‘kapamilya’ niya. Kami po iyon… mga katrabaho, sa harap ng kamera at sa likod. Mga pamilya po niya,” pakiusap ni Pressman.

Nagpasalamat ang aktres sa kabutihan loob ni Martin sa kanyang mga nakakatrabaho.

“Salamat Coco, sa lahat ng mabuting nagawa mo para sa aming lahat, at hindi namin makakalimutan ang lahat ng iyon habang buhay,” aniya.

Source From:https://www.abante.com.ph/coco-naaawa-sa-ang-probinsyano-crew-kaya-emosyunal-sa-abs-cbn-shutdown.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi