Coco nawalan ng mga endorsement

3 years ago 0 Comments

Busy na ngayon ang kampo ni Coco Martin na mag-isip ng mga paraan upang kahit paano ay makakuha ito ng suporta sa tila nabawasan o nawala nitong popularidad nang dahil sa ginawa nitong “ranting” sa usapin ng ABS-CBN franchise.

Unlike Kim Chiu na higit pang sumikat at na-convert into positive ang mga nega bashing sa aktres at naging full song pa ang nakaka-LSS na Bawal Lumabas, the same does not hold true for Coco.

Meron pa nga kaming narinig na meron umano itong mga on-going endorsements at supposedly “big summer product launch,” na nauwi sa wala at mauuwi sa wala dahil mismong mga kliyente nito ang grabeng na-turn off sa ginawi ng akor na in fairness naman ay humingi ng apology.

Nakakabahala para sa isang gaya din naming ‘talent’ ng ABS-CBN ang mga nangyayari hinggil sa franchise issue, pero we have to face whatever consequence na darating at magaganap.

Pagdarasal at pagbibigay pa rin ng moral support at pagtaguyod sa “patas na usapin sa batas at komersyo” ang patuloy naming ibinibigay sa aming network.

***

Aktres, politiko lantaran na ang bawal na relasyon

At habang sinusubukan ng marami ang humarap sa “new normal,” tila normal na normal na raw ang noo’y itinatagong relasyon ng isang dating award-winning actress sa isang opisyal ng gobyerno na hindi pa hiwalay sa asawa.

Si aktres at ang asawa ni public official ay dating very good friends at iniimbita lang nung asawa si aktres sa mga public functions ng mister, until mabuking nga ito nang dahil sa cellphone. Deny to death man si aktres, hindi naman ito pinaniwalaan ng misis kaya’t pinatikim niya ito ng iskandalo bago pa man mag-COVID-19.

Pero dahil din umano sa virus kaya muling lumantad si aktres at si public official. Hindi na nga raw inaalintana ng dalawa ang anumang sasabihin ng mga tao dahil sa pandemic na ating nararanasan, mas mahalaga para sa iba ang makatanggap ng ayuda, mula sa noo’y natsismis lamang na award-winning actress at public official.

Sa mga photo-op na madalas na ipakita ang aktres kasama ang truck-truck na mga bigas at iba pang goods, nasa isang sulok lamang daw si public official na proud na proud sa ginagawa ng diumano’y karelasyon nito.

Para-paraan ika nga!

***

Hunk actor natakot yumakap, humalik sa leading lady

Gaya ng maraming showbiz personalities, praning na praning din kami sa posibleng second wave ng coronavirus simula nang tila mga batang sabik na sabik na naglabasan at naglusuban sa kung saan-saang malls at kalsada ang mga taong nasa ECQ o MECQ kaya.

Kaya naman may ilan ng production outfit na sumubok ituloy ang pag-shoot ng ilang projects na nabinbin.

Sa nakarating sa aming tsika mula sa shooting ng isang film project, mas praning pa nga daw ang isang hunk actor na magkaroon ng mga eksenang yakapan at halikan kumpara sa leading lady niya.

While the production itself practices safe and secure measures to avoid virus transmission, kapansin-pansin daw talaga ang pagiging mas praning ni hunk actor pagdating sa mga eksenang magkakasama, magdidikit o magkakaroon ng kontak.

Before, during and after each take daw kung magpaalala ito ng “safety nets” sa shooting nila.

Well, dapat lang naman sigurong gawin yun ng lahat, pero kung sadyang sa palagay ni hunk actor ay hindi pa siya puwede at safe na gumawa ng mga eksena, eh bakit kasi nagtatrabaho na? May mga naiimbudo tuloy!

Source From:https://www.abante.com.ph/coco-nawalan-ng-mga-endorsement.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi