Coke workers ginawang rebel returnee -Bayan Muna

3 years ago 0 Comments

Kinondena ni Bayan Muna Party-list Rep. Ferdinand Gaite ang umano’y pagdukot sa ilang manggagawa ng Coca-Cola sa Sta. Rosa, Laguna upang maiprisintang mga sumukong rebelde sa gobyerno.

“It is atrocious that on the day that we are supposedly giving honor to our workers, the military chose to stage fake surrendering rites using workers that they forcibly abducted on the eve of Labor Day!” patutsada ni Gaite.

Aniya, hindi umano ito ang unang pagkakataon na hinarass ang mga manggagawa ng Coca-Cola dahil ginawa rin ito noong nakaraang Abril 8 at 23.

“Last April 8, soldiers went to the homes of several workers to force them to sign E-CLIP forms. Last April 23, nine workers were forcibly taken to Camp Sakay, illegally interogated, and accussed of being rebels,” saad ni Gaite.

Sa isang seremonya, 16 katao na umano’y miyembro ng New People’s Army ang prinisinta nitong Sabado ng 202nd Brigade ng Philippine Army sa Camp Vicente Lim sa lalawigan ng Laguna.

Ngunit ayon sa PAMANTIK-KMU, ang labor federation sa Southern Tagalog, ang prinisintang mga rebelde ay mga manggagawa na sapilitang kinuha sa kanilang bahay bago ang seremonya.

Wala pang pahayag ang AFP sa akusasyon ng Bayan Muna.

Source From:https://www.abante.com.ph/coke-workers-ginawang-rebel-returnee-bayan-muna.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi